[00:00:00] Alay Lakad (Kahit Pano) - Smugglaz [00:00:00] Lahat ng mga 'to ay alay ko sa mga nagbigay [00:00:03] Ng pagkakataon upang kahit pano'y mabuo [00:00:06] Ang aking panaginip sa tagal kong nag hintay [00:00:09] Lumipad patingala naglakad ng payuko [00:00:12] Tagumpay na wala sa narating nasa pinagmulan [00:00:15] Dahil sa mga tulad nyong laging nasaking likuran [00:00:17] Kasama ko noon at nakasama ko ngayon [00:00:20] Na nagtanim hanggang magbunga pag hinog ng panahon [00:00:33] Lahat ng mga 'to ay aking inaalay sa lahat [00:00:36] Ng mga taong tumulong sa akin upang mabuo [00:00:39] Bawat detalye sa kasaysayan ng aking alamat [00:00:42] Naging pataba nung ako'y binhi pa lang na patubo [00:00:44] Hindi man naging madali pilit kong sinubukan [00:00:47] Kahit napakaraming mali hindi ko sinukuan [00:00:50] Maging maayos sa labas ng aming tahanan na wasak [00:00:53] Bilang pangkaraniwang kuya at panganay na anak [00:00:56] Ito'y para sa kanila kay mama kay papa at mga kapatid [00:00:59] Kong naron at naririto [00:01:01] Lagas man o sagana patuloy na umasa [00:01:04] Hiwa hiwalay man tayo'y binuo ko ang sarili ko [00:01:07] At saking lola na nag tyaga upang mapaayos [00:01:10] Ang aking kinabukasan [00:01:11] Kahit di man nakatapos ng aking pag aaral ay natuto din ako [00:01:15] Yung apo mong pinalaki ng maipagmalaki mo [00:01:18] Pati ng mga di naging madamot saking kaibigan [00:01:21] Nung wala ako't nandyan sila upang malapitan [00:01:24] Mga taga suporta na nag aabang ng bago [00:01:26] Na saludo lang palagi sa mga nagagawa ko [00:01:29] Mga taong nagtiwala at di hinusgahan [00:01:32] Ang pwede ko pang marating sa dami ng pinuntahan [00:01:35] Sapagkat kilala nyo talaga kung sino ako [00:01:37] Di ko man maisa isa alam nyo kung sino kayo salamat [00:01:41] Kulang pa lahat ng to para mabatid ang pasasalamat ko [00:01:46] Ngunit ganun pa man sana'y inyong tanggapin kahit pano kahit pano [00:01:51] Lahat ng mga 'to ay aking inaalay sa mga [00:01:54] Mga taong nun pa ma'y tumanggap sakin ng buo [00:01:57] Yung mga araw na wala pang kasikatan na dala [00:02:00] Nagdilig ngpagkalinga nung panahon ng tag tuyo [00:02:03] Lalo na sa aking asawa na kasama kong nangarap [00:02:05] Anumang makasalubong hinarap naming magkayakap [00:02:08] Sumuporta ng higit sa paghanga sapagkat [00:02:11] Subok na tayo kahit ikaw ako laban sa lahat [00:02:14] At saking anak na lalong nagpalinaw ng daan [00:02:16] Sa buhay at tungkuling mas dapat kong gampanan [00:02:19] Na nagbibigay rason kung bat ako humihinga [00:02:22] Dahil sayo lahat sakin ay di pwe pwedeng huli na [00:02:25] Alay ko sa inyo 'nak ang lahat ng mga to [00:02:28] Pagdamutan nyo na kung anumang aking mabigay [00:02:31] Anuman ang mangyari sa paglalakbay na to [00:02:33] Sabihin mo sa mommy mo mahal kayo ni daddy bry [00:02:36] Lalong lalo sa taas bilang pasasalamat sa talino at lakas [00:02:40] Upang maging karapat dapat [00:02:42] Kung wala ka diyos ama ang lahat ng mga [00:02:45] Pasanin ko't dala di ko kinaya mag isa [00:02:47] Makasalanan man ako'y pinagpala mo pa rin [00:02:50] Ang aking mga musika maging biyaya sa iba [00:02:53] Maging inspirasyon ayon sa kaloobang na sayo [00:02:56] Bilang isa sa mga espesyal na obramaestra mo [00:02:59] Sa lupa [00:02:59] Kulang pa lahat ng 'to para ihinto ko ang mga lakad ko [00:03:04] Anuman dumating handa ko ng harapin [00:03:07] Kahit pano kahit pano [00:03:09] Lahat ng mga 'to ay alay ko sa akin pabalik [00:03:12] Kahit anuman mabigay ko ay handa kong tanggapin [00:03:16] Dahil sa tagal kong nainip at nanabik [00:03:18] Parang gusto kong apiran sarili ko sa salamin [00:03:21] Habang sinasabi kong para sakin karangalan [00:03:24] Maging isang smugglaz ang dati na si bryan [00:03:26] Panindigan mo na naiintindihan kita [00:03:29] Sindihan mo na baka masindihan pa ng iba [00:03:32] Panindigan mo na naiintindihan kita [00:03:35] Sindihan mo na baka masindihan pa ng iba [00:03:38] Panindigan mo na naiintindihan kita [00:03:40] Sindihan mo na baka masindihan pa ng iba [00:03:48] Kahit pano diba [00:03:53] Kahit pano diba [00:03:59] Kahit pano diba 404

404,您请求的文件不存在!