• 转发
  • 反馈

《Holdap》歌词


歌曲: Holdap

所属专辑:Legends Series: Gary Granada

歌手: Gary Granada

时长: 03:12

播放 下载lrc歌词 下载纯文本歌词

Holdap

Holdap - Gary Granada[00:00:00]

Written by:Gary Granada[00:00:00]

Minsang ako ay nag agahan doon sa bandang Nagtahan[00:00:17]

Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan[00:00:21]

At ang usap usapan ay tungkol sa isang holdapan[00:00:25]

Sa isang pampasaherong sasakyan[00:00:29]

Nang aking nilapitan tamangtamang naabutan[00:00:33]

Ang isa sa biktimang nagsalaysay[00:00:37]

At ang bukambibig niyaong mamang nanginginig[00:00:41]

Salamat daw at siya'y naiwan pang buhay[00:00:44]

Nanakawan na at naholdap si Juan[00:00:48]

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan[00:00:53]

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan[00:00:57]

Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan[00:01:01]

Isang kinsenang kayod ang pinagpawisang sahod[00:01:06]

Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw[00:01:10]

Pati yung estudyante at aleng mukhang pasyente[00:01:15]

At lolong halos di na makagalaw[00:01:18]

Relo singsing at hikaw pati ngiping natutunaw[00:01:23]

Sinimut nuong disenteng lalake[00:01:27]

Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw[00:01:31]

Sila'y inabutan pa ng pamasahe[00:01:34]

Nanakawan na at naholdap si Juan[00:01:38]

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan[00:01:42]

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan[00:01:47]

Ngunit ang nagnakaw pa ang kandidato sa halalan[00:01:50]

Ngunit minsa'y namukhaan nitong kawawang si Juan[00:01:56]

Ang holdaper kanya palang kapitbahay[00:02:00]

Malimit mag abuloy ng abubot at borloloy[00:02:04]

Sa tuwing may okasyong pambarangay[00:02:08]

Siya ay kwelangkwela sa simbahan at eskwela[00:02:13]

Bida kay bishop kay judge at kapitan[00:02:16]

Tauntaon pati ay may medalya at plake[00:02:21]

Ang magiting at dakilang kawatan[00:02:24]

Nanakawan na at naholdap si Juan[00:02:28]

Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan[00:02:32]

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan[00:02:36]

Ngunit ang nagnakaw pa ang nananalo sa halalan[00:02:40]

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan[00:02:46]

At lalong mababaon dahil sa Philippines 2000[00:02:51]