• 转发
  • 反馈

《Bahay》歌词


歌曲: Bahay

所属专辑:Legends Series: Gary Granada

歌手: Gary Granada

时长: 03:47

播放 下载lrc歌词 下载纯文本歌词

Bahay

Bahay - Gary Granada[00:00:00]

Written by:Gary Granada[00:00:01]

Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan[00:00:20]

Labinglimang mag anak ang duo'y nagsiksikan[00:00:24]

Nagtitiis sa munting barung barong na sira sira[00:00:29]

Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira[00:00:34]

Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong[00:00:43]

Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong[00:00:48]

Pinagtagpi tagping basurang pinatungan ng bato[00:00:53]

Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito[00:00:58]

Ay bahay[00:01:02]

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata[00:01:23]

Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta[00:01:28]

Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman[00:01:32]

At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam[00:01:37]

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko[00:01:46]

At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo[00:01:51]

Ang pinagpala sa mundo ang dyaryo at ang pulpito[00:01:56]

Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito[00:02:00]

Ay bahay[00:02:05]

Maghapo't magdamag silang kakayod kakahig[00:02:25]

Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig[00:02:30]

Sa papag na gutay gutay pipiliting hihimlay[00:02:35]

Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay[00:02:40]

Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw[00:02:54]

Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw[00:03:00]

Hindi ako nangungutya kayo na rin ang magpasya[00:03:05]

Sa palagay ninyo kaya ito sa mata ng Maylikha[00:03:10]

Ay bahay[00:03:18]