• 转发
  • 反馈

《Medley: Maligayang Pasko At Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko’Y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman / Pasko Na Naman》歌词


歌曲: Medley: Maligayang Pasko At Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko’Y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman / Pasko Na Naman

所属专辑:Pamasko Ng Mga Bituin

歌手: APO Hiking Society&Celest

时长: 05:25

播放 下载lrc歌词 下载纯文本歌词

Medley: Maligayang Pasko At Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko’Y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman / Pasko Na Naman

Medley: Maligayang Pasko At Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko'Y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman / Pasko Na Naman - APO Hiking Society/Celeste Legaspi/Leo Valdez/Dulce[00:00:00]

Written by:Jess C. Saclo/V. Rubi/Levi Celerio/R. Tagalog/A. Torres/Tex Salcedo/L. Celerio/F. San Juan/S.Y. Ramos/J. Brandy[00:00:04]

Pasko na naman[00:00:09]

Pasko na naman[00:00:10]

Kaya kami ngayo'y naririto[00:00:12]

Upang kayong lahat ay aming handugan[00:00:16]

Ng iba't ibang himig na pamasko[00:00:20]

Ang Pasko ay sumapit[00:00:26]

Tayo ay mangagsi awit[00:00:30]

Ng magagandang himig[00:00:34]

Dahil sa ang Diyos ay pag ibig[00:00:38]

Nang si Kristo ay isilang[00:00:42]

May tatlong haring nagsidalaw[00:00:46]

At ang bawa't isa ay nagsipaghandog[00:00:50]

Ng tanging alay[00:00:54]

Bagong Taon ay magbagong buhay[00:00:58]

Nang lumigaya ang ating bayan[00:01:01]

Tayo'y magsikap upang makamtan[00:01:05]

Natin ang kasaganaan[00:01:09]

Tayo'y mangagsi awit[00:01:13]

Habang ang mundo'y tahimik[00:01:17]

Ang araw ay sumapit[00:01:21]

Ng sanggol na dulot ng langit[00:01:25]

Tayo ay magmahalan[00:01:28]

Ating sundin ang gintong aral[00:01:32]

At magbuhat ngayon[00:01:36]

Kahit hindi Pasko ay magbigayan[00:01:39]

Sa maybahay ang aming bati[00:01:43]

Merry Christmas na maluwalhati[00:01:47]

Ang pag ibig pag siyang naghari[00:01:51]

Araw araw ay magiging Pasko lagi[00:01:55]

Ang sanhi po ng pagparito[00:01:59]

Hihingi po ng aginaldo[00:02:03]

Kung sakali't kami'y perhuwisyo[00:02:07]

Pasensya na kayo't kami'y namamasko[00:02:10]

Ang Pasko ay sumapit na naman[00:02:15]

Kaya tayo ay dapat na magdiwang[00:02:18]

'Pagkat ngayon ay araw ng pagsilang[00:02:22]

Ni Hesus na 'di natin malilimutan[00:02:26]

Halina tayo ay manalangin[00:02:30]

Ng tayong lahat ay kanyang pagpalain[00:02:34]

Ang Pasko ay ating pasayahin[00:02:37]

Sa pagmamahalan natin[00:02:41]

Maligayang Pasko sa bawat tahanan[00:02:47]

Ang dalangin namin sana ay makamtan[00:02:53]

Masaganang buhay sa taong darating[00:03:00]

Ang maging palad sana natin[00:03:07]

Dinggin lamang ang dalangin[00:03:14]

Darating ang hangarin[00:03:17]

Sama sama na awitin[00:03:20]

Ang isang Ama Namin[00:03:24]

May gayak ang lahat ng tahanan[00:03:29]

Masdan n'yo at nagpapaligsahan[00:03:33]

May parol at ilaw bawa't bintana[00:03:37]

May sadyang naiiba ang ibang kulay[00:03:40]

Kay ganda ang ayos ng simbahan[00:03:44]

Ang lahat ay inaanyayahan[00:03:48]

Nang dahil sa pagsilang[00:03:52]

Sa sanggol na siyang maghahari[00:03:54]

Ng panghabang panahon[00:03:56]

Ang pasko'y araw ng bigayan[00:04:00]

Ang lahat ay nagmamahalan[00:04:04]

Tuwing pasko ay lagi nang ganyan[00:04:08]

May sigla may galak ang bayan[00:04:11]

Maligaya maligayang[00:04:15]

Pasko kayo'y bigyan[00:04:17]

Masagana masaganang[00:04:19]

Bagong tao'y kamtan[00:04:21]

Ipagdiwang ipagdiwang[00:04:23]

Araw ng Maykapal[00:04:25]

Upang manatili sa atin ang kapalaran[00:04:27]

At mabuhay na lagi sa kapayapaan[00:04:30]

Mano po ninong mano po ninang[00:04:34]

Narito kami ngayo'y[00:04:38]

Humahalik sa inyong kamay[00:04:39]

Salamat ninong salamat ninang[00:04:41]

Sa aginaldo po ninyong ibibigay[00:04:45]

Pasko na naman[00:04:49]

Pasko na naman[00:04:51]

Kaya kami ngayo'y naririto[00:04:53]

Upang kayong lahat ay aming handogan[00:04:57]

Ng iba't ibang himig na pamasko[00:05:01]

Maligaya maligaya[00:05:05]

Maligayang Pasko sa inyong lahat[00:05:09]