所属专辑:Matrikula
歌手: Gloc 9
时长: 03:29
Tinta - Gloc 9[00:00:00]
Written by:Aristotle Pollisco[00:00:00]
Pwedeng asul[00:00:01]
Pwedeng itim[00:00:03]
Pwedeng pula[00:00:04]
Pwedeng iba ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila[00:00:06]
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta[00:00:13]
Ngayon sabihin mo sa akin paano mo ginamit ang tinta[00:00:19]
Ahh ahh ahh ahh ahh[00:00:32]
Nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat habang[00:00:38]
Ako'y tinuturuan ni nanay habang sya'y naglalaba ng[00:00:42]
Damit sa poso paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga[00:00:45]
Letra na parang petsa sa kalendaryo[00:00:50]
Magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks[00:00:52]
At dyaryo ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo[00:00:55]
At hindi imbento na parang gamot ng albularyo[00:00:58]
Nag-aral isa dalawa tatlong baytang sa elementarya natapos sa ika-anim[00:01:01]
Ngunit walang medalyang nakasabit sa aking leeg[00:01:06]
Ng hindi sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos mamasada[00:01:09]
Lumipas ang mga taong sinubukang lumikha mga salitang magakatugma na ang tawag ay tula[00:01:13]
Ngunit may nagsabi sa akin cris pagnaron ka na[00:01:19]
Sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta[00:01:22]
Pwedeng asul[00:01:25]
Pwedeng itim[00:01:27]
Pwedeng pula[00:01:28]
Pwedeng iba ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila[00:01:30]
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta[00:01:37]
Ngayon sabihin mo sa akin paano mo ginamit ang tinta[00:01:43]
Ahh ahh ahh ahh ahh[00:01:52]
Ahh ahh ahh ahh ahh[00:01:57]
Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo papasok ka sa eskwela[00:02:01]
Manghihingi ka ng baon kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat[00:02:06]
Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat[00:02:10]
Ng isang makatang laging titingalain ng lahat[00:02:13]
Ang mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat[00:02:16]
Na balang araw ay sasambitin awit mo'y kakantahin[00:02:19]
Ng lahat ng batang tulad mo'y may pangarap rin[00:02:23]
Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang[00:02:26]
Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang[00:02:29]
Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay[00:02:31]
Ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay[00:02:35]
At walang makakapigil kahit minsan ay parang[00:02:37]
Wala ka nang maayos na lupang pwede mong lakaran[00:02:41]
Ngunit pagdating ng araw at naron ka na sabihin mo[00:02:44]
Sa akin kung paano mo ginamit ang tinta[00:02:47]
Pwedeng asul[00:02:49]
Pwedeng itim[00:02:51]
Pwedeng pula[00:02:52]
Pwedeng iba ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila[00:02:54]
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta[00:03:01]
Ngayon sabihin mo sa akin paano mo ginamit ang tinta[00:03:07]
Ahh ahh ahh ahh ahh[00:03:15]
Ahh ahh ahh ahh ahh[00:03:21]