所属专辑:Matrikula
时长: 04:13
Upuan - Gloc 9/Jeazell Grutas[00:00:00]
Written by:Aristotle Pollisco[00:00:00]
Jeazell:Kayo po na naka upo[00:00:42]
Subukan nyo namang tumayo[00:00:47]
At baka matanaw at baka matanaw na nyo[00:00:52]
Ang tunay na kalagayan ko[00:00:57]
Gloc-9:Ganito kasi yan eh[00:01:01]
Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng[00:01:03]
Malaking bahay at malawak na bakuran[00:01:05]
Mataas na pader pinapaligiran[00:01:08]
At naka pilang mga mamahaling sasakyan[00:01:10]
Mga bantay na laging bulong ng bulong[00:01:13]
Wala namang kasal pero marami ang naka barong[00:01:15]
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong[00:01:18]
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong[00:01:20]
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon[00:01:23]
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon[00:01:25]
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan[00:01:28]
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan[00:01:30]
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan[00:01:33]
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan[00:01:35]
Kaya naman hindi niya pinakakawalan[00:01:38]
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan[00:01:40]
Jeazell:Kayo po na naka upo[00:01:43]
Subukan nyo namang tumayo[00:01:47]
At baka matanaw at baka matanaw na nyo[00:01:53]
Ang tunay na kalagayan ko[00:01:58]
Gloc-9:Mawalang galang na po[00:02:03]
Sa taong naka upo[00:02:04]
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno[00:02:06]
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero[00:02:08]
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo[00:02:11]
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin[00:02:13]
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling[00:02:16]
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero[00:02:18]
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo[00:02:21]
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero[00:02:23]
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo[00:02:26]
Pero kulang na kulang parin[00:02:28]
Ulam na tuyo't asin[00:02:30]
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin[00:02:31]
Di ko alam kung talagang maraming harang[00:02:34]
O mataas lang ang bakod[00:02:36]
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo[00:02:37]
Kahit sa dami ng pera niyo[00:02:39]
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo[00:02:41]
Kaya[00:02:43]
Jeazell:Wag kang masyadong halata[00:02:44]
Bato-bato sa langit[00:02:48]
Ang matamaa'y wag magalit[00:02:52]
O bato-bato bato sa langit[00:02:57]
Ang matamaan ay[00:03:02]
Wag masyadong halata ooh[00:03:05]
Wag kang masyadong halata[00:03:10]
Hehey[00:03:13]
Wag kang masyadong halata[00:03:15]
Wag kang masyadong halata[00:03:20]